Hanapin sa Web :

Please Sign in or Register

Balita

KWF, nakiisa sa idinaos na KABISIG GOVERMENT EXPO 2007

Nakiisa ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pangunguna ni Chairman Ricardo Ma. Duran Nolasco, Kom. Carmelita C. Abdurahman, Kom. Joe Lad Santos, Direktor-Heneral Fe Aldave Yap at mga kawani ng KWF sa idinaos na Kabisig Government Expo 2007 noong Setyembre 17-21, 2007 sa SM Mall of Asia, Pasay City na pinangunahan ng KABISIG MINDANAO FOUNDATION, INC. Ang paksa ng eksibit ay nakatuon sa “Global Community: Unity in Diversity”. Panauhing Tagapagsalita si Executive Secretary EDUARDO R. ERMITA na nagbigay ng maikling mensahe sa pagbubukas eksibit.

Layunin ng eksibit na maipabatid sa madla ang kahalagahan ng mga proyekto, programa, pasilidad ng bawat tanggapan ng pamahalaan; ang mga serbisyong ipinagkakaloob; ang mahalaga at kapaki-pakinabang na mga nagawa at gagawin pang proyekto na makapagpapataas sa antas ng kalidad ng serbisyo publiko di lamang sa lokal, maging sa global man. Gayon din, sa pamamagitan nito, naitaguyod ang ten-point agenda ng Pangulong GMA para sa matatag na ekonomiya at matatag na Republika.

Matagumpay na naidaos ang naturang eksibit sa pakikipagtulungan ng may pitumpung ahensiya ng pamahalaan, lokal at nasyonal.
permaLink |

DON EMILIO T. YAP, atbp., PINARANGALAN NG KONGRESO NG KOMIKS

Si Don Emilio T. Yap, Tagapaglathala at may-ari ng Manila Bulletin Publications Corporation at Liwayway Magazine at 12 pang kasama ay pinarangalan ng Kongreso ng Komiks noong Setyembre 11, 2007 sa Tanghalang Leandro V. Locsin ng NCCA. Kabilang sa mga pinarangalan sina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Congressman Ferdinand Martin Romualdez, Ms. Donna Villa, G. Manoling Morato, G. Augusto Villanueva, Direktor Cecile Alvarez-Guidote, Prop. Tomas Ongoco, ang Komisyon sa Wikang Filipino, Liwayway Publishing, Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, Philippine Charity Sweepstakes Office, Kagawaran ng Edukasyon, International Theater Institute-Philippine Center at Sterling Publishing.

Isang plake ng karangalan at pagpapahalaga ang ipinagkaloob kay Don Emilio dahil sa kanyang marubdob na pagtulong upang ang komiks sa Pilipinas ay muling maibalik bilang isang industriya. Tumanggap din siya at ang iba pang awardees ng isang lilok na ang motif ay vinta o sasakyang dagat ng mga Moslem na nililok para sa okasyong ito ng Pambansang Alagad ng Sining Abdulmari Asia Imao.

Ang nag-abot ng gawad ay sina Direktor Carlo J. Caparas, Pangulo ng Kongreso ng Komiks at isang Presidential Medal of Merit Awardee at ng sekretaryo-heneral ng samahan na si Komisoner Jose Lad Santos ng Komisyon sa Wikang Filipino.
permaLink |

Gawad Komisyon 2007, inihayag

Inihayag ng Komisyon sa Wikang Filipino (dating Surian ng Wikang Pambansa), ang pagdaraos ng GAWAD KOMISYON 2007, isang taunang patimpalak pampanitikan para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing buwan ng Agosto. Ang paksa sa taong ito ay: MARAMING WIKA, MATATAG NA BANSA. (Free translation: A gift of tongues for a strong nation).

Bukod sa taunang Gawad Collantes para sa pagsulat ng pormal na sanaysay sa Filipino, ang mga kategorya para sa taong ito ay kinabibilangan ng sanaysay, tula at maikling kwento sa sampung iba pang malaking wika sa Pilipinas. Ang mga wika ay Tagalog-Filipino (maikling kwentong pambata), Sugbuanong Bisaya (tula at maikling kwento), Iloko(tula at maikling kwento), Hiligaynon (tula at maikling kwento), Bikol (maikling kwento at sanaysay), Kapampangan (tula), Pangasinan (tula at maikling kwento), Samar-Leyte (tula at maikling kwento), Meranao (sanaysay), MaguindanaoTausug (sanaysay).

Ang mga premyong cash para sa bawat kategorya ay: 1st-Php15,000.00, 2nd-Php. 10,000.00, 3rd-Php. 8,000.00 at tatlong karangalang-banggit na tig-Php.2,000.00 bawat isa, Maaaring i-download mula sa KWF website http://wika.pbwiki.com. ang pormularyo at mga tuntunin ng patimpalak ng sino mang interesadong sumali o kaya ay tumawag sa KWF sa tel. blg. 736-3832.

Ang mga lahok ay maaaring isumite sa Komisyon sa Wikang Filipino, G/F Watson Bldg., 1610 JP Laurel Street, Malacañang Palace Complex, San Miguel, Manila o i-email sa kwf_gawad_komisyon_2007@yahoo.com sa o bago ang Hulyo 27, 2007. Para sa mga Pormularyo ng paglahok i-click ang Mga Pormularyo at Mga Tuntunin sa Timpalak.
permaLink |

Tungkol sa KWF

Kasaysayan

Misyon/Bisyon

"Bisyon ng KWF/CFL, na maging sentro ng kapantasan sa mga wika at panitikan ng mga Pilipino. Misyon ng KWF na paunlarin, palaganapin at panatilihin ang mga wikang ginagamit ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan. Tungkulin ng KWF na magsagawa, mag-ugnay at sumuporta sa mga makabuluhang pananaliksik at pag-aaral na pangwika at pampanitikan na nasa wikang pambansa, panglokal, o pang-ibayong dagat. Kinikilala ng KWF ang kahalagahan ng mga wikang ito para sa kultura, edukasyon at iba pang layuning intelektuwal; pagkakakilanlan at etnisidad; pakikipagtalastasan sa loob at labas ng bansa; pag-unlad na pang-ekonomiya; at kaisahan at katatagang pampulitika."
permaLink |

Mga Kasalukuyang Proyekto ng KWF

Inilunsad kamakailan ang mga pangunahing proyekto na isinasagawa ng KWF sa ngayon. Ang mga proyektong ito ay nasa ilalim ng panibagong layuning pampananaliskik na ibinatay sa iba’t ibang programa tulad ng lingwistika, dokumentasyon ng wika, leksikograpiya at pagsasalingwika. Ang mga proyektong ito ay ang mga sumusunod:

» Pagsasalin sa Filipino ng talambuhay ng mga kilalang at di-kilalang Bayani sa Pilipinas

Ang proyektong ito ay kinabibilangan ng mga kilala at di-kilalang bayani na bantog sa kani-kanilang mga larangan. Kasama rin ang mga akdang di pa nailimbag at iba pang mga sanggunian na may kaugnayan sa mga talambuhay ng mga Pilipino sa Kasaysayan. Ito ay mahalagang ambag sa pagkakaroon ng sangguning kagamitang pang-edukasyon at sa iba pang larangan na makatutulong sa kanilang pananaliksik.

» Bibliograpiyang may Anotasyon ng mga Wika at Linggwistika sa Pilipinas

Ito ay pagsasapanahon ng proyekto ni Jack H. Ward “Bibliography of Philippine Linguistics and Minor Languages” at ni Vladimir A. Makarenko, “A Preliminary Anotated Bibliography of Filipino Linguistics” ang proyektong ito ay isang bibliograpikong pananaliksik, paglikom at pag-aayos ng mga nagawa sa mga wika at linggwistika ng Pilipinas gaya ng sumusunod: mga aklat; mga artikulo (dyornal, magasin, kumperensya, atb); awdyo-biswal; natatanging koleksyon, gaya ng wikang bernakular, mga talumpati, atb.; materyales sa elektronikong pormat na sa UP Library System, gayundin ng mga nasa lokal at banyagang aklatan. Saklaw ng pagtatala at paglilikom ang mga nagawa mula sa taong 1976 hanggang 2005. Kasama sa pagtatala ang anotasyon o maikling paglalarawan sa bawat aytem at magkakaroon din ng isang elektronikong database online/website.

» Isang Mapa ng mga Wika sa Pilipinas (na may halimbawang teksto at awdyo)

Ang proyektong ito ay paghahanda ng isang mapa ng wika sa Pilipinas na nagtataglay at kakikitaan ng mga impormasyon tulad ng estadistika, ilustrasyon, representasyon, pangalan ng wika, tribo at lugar at nauugnay rito ay isang tampok na katangian ng mapang ito ay ang paglalakip ng halimbawang teksto at awdyo.

Mga Akda sa Gawad Komisyon

Lorem ipsum dolor sit amet
consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam. consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam. consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam. consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam. consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam. consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam. consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam.

Mga Makata/Manunulat

Dati, sinasabi natin ang ganito: "Isang Bansa, Isang Wika."  Sa ngayon, angkop pa kaya ang ganitong kasabihan? Basahin ang Keynote na Talumpati ni Chairman Nolasco sa 2007 Nakem Conference, Mariano Marcos State University, Mayo 23, 2007.

Lorem ipsum dolor sit amet
consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam.

Photo

Panunumpa

 

 

 

 

 

 

 

 

Patimpalak

Lorem ipsum dolor sit amet
consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam. consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam. consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod tincidunt ut laoreet dolore magna aliquam. consectetuer adipiscing elit, sed diam nonummy nibh euismod...